^

PSN Palaro

Gamboa vs Rubillar sa Elorde Sports Center

-
Walang mawawala kay dating World Boxing Association (WBA) minimum-weight champion Joma Gamboa sakaling matalo siya sa kanyang kampanya para sa World Boxing Council (WBC) International Lightflyweight Championship ngayong Biyernes, Mayo 31 kontra Juanito Rubillar sa Elorde Sports Center.

Galing ang 29-anyos na si Gamboa mula sa di inaasahang pagkatalo sa mga kamay ni Keitaru Hoshino noong nakaraang Enero 29, 2002 upang tanggalin ang kanyang WBA crown at ngayon ay magtatangka siya para muling mapasabak sa panibagong world title fight.

Tampok rin sa 12-round title bout nina Rubillar at Gamboa na tinaguriang ‘Matira Matibay’ ang sagupaan sa pagitan nina Archiel Villamor at Jerry Pahayahay para sa 10-round bout PABA Flyweight championships.

"Handang-handa na ako sa laban namin ni Rubillar. Magaling siya pero sa dalawang ulit niyang pagtatangka sa world title ay hindi pa siya nagtatagumpay," pahayag ni Gamboa makaraan ang kanyang workout kahapon sa L&M Gym.

"Both fighters (Rubillar & Gamboa) are good, but Gamboa is determined to regain his rightful place as a world champion, whoever wins this title on Friday will definitely have the shot for the world title," wika naman ni Joe Koizumi, ang manager ni Gamboa.

Ang naturang laban ay mapapanood sa IBC-13 sa pamagitan ng delayed telecast sa Lunes mula alas-7-9 ng gabi. Para sa iba pang detalye tumawag sa 8257229.

ARCHIEL VILLAMOR

ELORDE SPORTS CENTER

GAMBOA

INTERNATIONAL LIGHTFLYWEIGHT CHAMPIONSHIP

JERRY PAHAYAHAY

JOE KOIZUMI

JOMA GAMBOA

JUANITO RUBILLAR

KEITARU HOSHINO

M GYM

RUBILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with