^

PSN Palaro

Handa na ang lahat para sa Palarong Pambansa

-
Nakahanda na ang local air, land at sea transport firms na kamakailan lang ay nakipagkasundo sa Philippine Sports Commission (PSC) na ma-accomodate ang mga delegado at opisyal para sa 2002 Palarong Pambansa sa Naga City.

"Transport benefits for the entire local sports community relative to the Palarong Pambansa can now be availed," ani PSC chairman Eric Buhain. Ginarantiyahan ng Air Philippines ang 30% discount para sa pamasahe, habang 20% naman ang ipagkakaloob ng Philippine Airlines, Philtranco at WG&A Super Ferry sa lahat ng delegado at opisyales na tutungong Naga City.

Aabot sa 8,000 student athletes at officials ang inaasahang dadagsa sa Naga City para sa Palaro kung saan ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang siyang special guest sa opening sa Hunyo 3.

Para sa ikatatagumpay ng Palaro, nagkasundo ang mga opisyales mula sa PSC at DepEd sa pangunguna ni Chairman Buhain at Secretary Raul Roco sa idinaos na DepEd management committee (Mancom) meeting na ginanap noong nakaraang linggo sa Cebu City.

vuukle comment

A SUPER FERRY

AIR PHILIPPINES

CEBU CITY

CHAIRMAN BUHAIN

ERIC BUHAIN

NAGA CITY

PALARO

PALARONG PAMBANSA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with