^

PSN Palaro

Krusiyal na laban ng Negros at Davao

-
Panibagong finals stint ang tangka ng RCPI Negros sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa Professional Davao sa alas-6 ng gabi ngayon sa MBA First conference knockout semifinal sa University of St. La Salle Coliseum sa Bacolod City.

Bagamat kargado ng mahuhusay na talento ang Eagles, bahagyang paborito ang Slashers na manalo dahil sa taglay nilang homecourt advantage.

Pinayukod ng Slashers ang Eagles, 95-80 sa kanilang unang paghaha-rap noong Abril 11 sa nasabi ring venue, subalit nakabawi ang Eagles sa 87-77 nang muli silang magkita noong Abril 27 sa Mindanao Polytechnic Gym.

Armado ang Slashers ng malaking bilang ng mga manonood ngayong gabi sa USLS Coliseum na siyang magbibigay sa kanila ng inspirasyon sa kanilang pagsukbit ng ikaapat na championship appearance sa limang taon ng liga.

Inaasahang pangungunahan ni John Ferriols ang 1998 MVP ang Slashers katulong sina Reynel Hugnatan, Jose Francisco, Tyrone Bau-tista at Carlo Espiritu.

Dedepensa rin ang Slashers, ang kasalukuyang Southern Conference champion sa kanilang backcourt tandem na sina Dennis Madrid at Dino Aldeguer.

Pero nakahanda naman ang Eagles na supilin ang Slashers sa katauhan nina Bong Marata, Mike Manigo, Genesis Sasuman at Peter Simon, katulong sina Billy Mamaril , Glenn Peter Yap at Cid White na inaasahang magdadala sa scoring ng Eagles.

Ang sinumang mananalo sa labang ito ang uusad sa best-of-five finals kontra sa mananalo sa pagitan ng Batangas at Olongapo sa isa pang knockout game sa Northern Conference.

Maghaharap ang Blades at Volunteers sa alas-3 ng hapon bukas sa Olongapo Convention Center.

ABRIL

BACOLOD CITY

BILLY MAMARIL

BONG MARATA

CARLO ESPIRITU

CID WHITE

DENNIS MADRID

DINO ALDEGUER

GENESIS SASUMAN

GLENN PETER YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with