Victoria nanguna sa karera

Sa pagkawala ng mga star players na ipinahiram sa National pool para sa Asian Games, kinailangang mag-step-up ang kanilang mga naiwanan upang punan ang mga nabakanteng puwesto.

Lima rito ay naging epektibo ng husto para maging kandidato para sa Best Player of the Conference ng Samsung-PBA Governors Cup.

Ito ay sina Boybits Victoria at Dorian Peña ng San Miguel, Alvin Patri-monio at Rey Evangelista ng Purefoods at Don Carlos Allado ng Alaska.

Si Victoria na siyang humahalili sa pagkawala ni Olsen Racela na kasama sa napili ni National coach Jong Uichico na kakatawan ng bansa sa Busan Games ang nanguna sa statistical points sa kanyang hinakot na 817 total points.

Nasa National squad din sina Danny Ildefonso, Danny Seigle at Dondon Hontiveros kaya’t kinailangang kumayod ng husto ni Peña na no. 3 sa statistics sa kanyang nalikom na 769 puntos.

Pumangalawa si Evangelista sa statistic at 11-puntos lamang ang kanyang layo kay Victoria, sa kanyang natipong 806 puntos at ikaapat naman si Patrimonio sa kanyang 765 puntos.

Nasa ikalima naman si Allado na may 740 puntos lamang ngunit malaki ang kanyang kontribusyon para makarating sa finals ang Alaska Aces laban sa Purefoods sa kanyang pagpuno sa pagkawala ni Ali Peek at Kenneth Durendes na kasama sa RP-squad.

Sa 18-games ni Victoria, siya ay may average na 31 minuto, 9.3 puntos kabilang ang 34.7% three-point shooting na kinatampukan ng kanyang 9 na triples sa isang laro na tumabla sa third all-time record ng liga.

May average din itong 3.3 rebounds, 3.9 assists.

Si Evangelista ay may average namang 7.1 puntos, 40.5 sa 3-point field goal, 40.7% field goal, 4.4 rebounds, 2.3 assists sa 26 minutes average sa 17 games habang si Patrimonio ay may 24 minutes per game, 9.1 points per game, 38.9% 3-point field goal, 43% field goal, 2.5 rebounds at 1.6 assists.

Si Peña ay may 27 minutes per game, 8.1 points per game, 49% field goal, 6.9 rebounds sa 18-games habang si Allado ay may 29 minutes per game, 8.6 points per game, 46% field goal, 6.1 rebounds at 1.8 assists sa 16-games. (CVOchoa)

Show comments