^

PSN Palaro

Encarnacion, MBA hardcourt of the Week

-
Taliwas sa inaasahan, di gaya ng ilang expansion team, lumaro ang Olongapo Volunteers na animo’y beterano ng labanan sa MBA. At ang magandang tinahak ng Volunteers ay dahil sa kanilang mga mahuhusay na rookies na kinabibilangan ng small forward na si Brixter Encarnacion, ang nahirang na MBA Press Corps’ choice para sa linggong ito na Hardcourt Hero citation.

Nasilat ni Encarnacion ang kanyang teammate na si Allen Patrimonio para sa lingguhang award.

Nagpakitang gilas ang tubong Cavite na si Encarnacion sa mga krusiyal na bahagi ng kanilang huling laro kontra sa Batangas Blades noong Mayo 13 nang kanyang pangunahan ang Volunteers sa kinanang 23 puntos, 13 nito ay mula sa final canto upang igiya ang 93-78 tagumpay.

Nauna rito, tumapos si Encarnacion ng 16 puntos makaraang lumasap ang Volunteers ng masaklap na 93-94 pagkatalo sa mga kamay ng Casino Cagayan de Oro Amigos.

Ang panalo ay nagkaloob sa Olongapo ng solong liderato sa Northern Conference sa kanilang 7-3 kartada at kailangan nilang magwagi sa kanilang home court sa knockout semifinal game kontra sa Blades na naglista ng 6-4 win-los slate sa Mayo 19 sa Olongapo City Convention Center.

Bukod kay Patrimonio, tinalo rin ni Encarnacion sa nasabing award ang nakaraang linggong co-winner na sina Alex Compton at Eddie Laure ng Blades, Dino Aldeguer ng Slashers, Ernani Epondulan ng Amigos, Randy Alcantara ng Waves at Arnold Rodriguez ng Cebuana Lhuillier Gems.

Samantala, magiging punong abala naman ang RCPI Negros Slashers (7-3) sa pagdayo ng Professional Davao Eagles sa isa pang semifinals sa Mayo 18 sa University of Saint La Salle Coliseum sa Bacolod City. Ang magwawagi sa dalawang pares na semis match na ito ang siyang maghaharap para sa First Conference Championship sa best-of-five series na magsisimula sa Mayo 25.

vuukle comment

ALEX COMPTON

ALLEN PATRIMONIO

ARNOLD RODRIGUEZ

BACOLOD CITY

BATANGAS BLADES

BRIXTER ENCARNACION

CASINO CAGAYAN

CEBUANA LHUILLIER GEMS

DINO ALDEGUER

ENCARNACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with