^

PSN Palaro

Gems dinagit ng Eagles

-
DAVAO CITY -- Inilabas ng Professional Davao Eagles ang kanilang pinakamahusay na porma sa huling maiinit na bahagi ng salpukan upang payukurin ang Cebuana Lhuillier Gems, 97-75 noong Biyernes ng gabi upang palakasin ang kanilang kampanya para sa semifinals ng MBA First Conference sa RMC Gym dito.

Bunga ng panalo, ikaanim ng Eagles matapos ang siyam na laro ang siyang nag-angat sa kanila sa ikalawang puwesto, habang nalaglag naman ang Gems sa ikatlong posisyon sanhi ng ikatlong pagkatalo sa likod ng limang panalo sa kabuuang 8-laro.

Tumapos si Mike Manigo ng 19 puntos, bukod pa ang limang rebounds, walong assists, tatlong steals at isang block upang trangkuhan ang Eagles sa kanilang paghihiganti mula sa nalasap na 107-103 dagok sa mga kamay ng Gems ng una silang magharap noong Abril 8.

Bukod kay Manigo, nakakuha rin ng malaking suporta si coach Bong Go mula kina Bong Marata,Peter June Simon, Billy Mamaril, Jon Dan Salvador at Cid White.

Kailangan na lamang ng Eagles na magwagi kontra Osaka Pangasinan Waves sa kanilang final elimination round assignment sa Mayo 11 upang pormal na makausad sa semis round.

Samantala, ikalimang panalo ang puntirya ng Pampanga Stars sa kanilang nakatakdang pakikipagsagupa sa Olongapo Volunteers sa ganap na alas-2 ng hapon, habang magtitipan naman ang Pangasinan at ang Batangas sa dakong alas-3:30 na ang aksiyon ay dadako sa Lipa Cultural Center sa Lipa, Batangas ngayon.

BATANGAS

BILLY MAMARIL

BONG MARATA

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CID WHITE

FIRST CONFERENCE

JON DAN SALVADOR

LIPA CULTURAL CENTER

MIKE MANIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with