Volunteers panalo
May 2, 2002 | 12:00am
OLONGAPO CITY -- Pinigil ng Olongapo Volunteers ang tangkang rally ng Cebuana Lhuillier Gems sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang itakas ang 112-110 panalo noong Martes ng gabi sa MBA First Conference sa Olongapo Convention Center dito.
Muling sumandig ang Volunteers sa tikas ni Jeffrey Flowers na umabante ng 17 puntos upang iposte ang kanilang ikalimang panalo sa pitong laro at pahigpitin ang kanilang kapit sa solong liderato sa Northern Conference.
Bumagsak naman ang Gems sa 5-2 kartada para sa pakikisosyo sa pangunguna sa RCPI Negros para sa Southern Conference.
Napaganda naman ng The Professional Davao ang kanilang kam-panya matapos na itala ang 77-60 panalo kontra sa Batangas Blades sa nag-iisang laro sa bagong tayong Davao Oriental Sports and Cultural Center sa Mati, Davao Oriental.
Sa iba pang laro, pinatalsik ng Osaka Pangasinan ang Pampanga, 90-82 sa Convention Center upang iposte ang kanilang ikaapat na panalo matapos ang 7 laban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am