^

PSN Palaro

Pinoy fencers over-all champ

-
Nakopo ng Philippines ang overall crown sa 6th Southeast Asian Fencing Championships matapos na makupit ang apat pang gintong medalya ng mga Pinoy fencers noong Miyerkules at Huwebes sa Kuala Lumpur, Malaysias.

Sinungkit nina Walbert Mendoza at Leny Reyes ang men’s and women’s saber gold medals na dinuplika naman ng RP foil team sa sumunod na araw ng torneong ito na nilahukan ng anim na bansa.

Kahit na may apat pang gintong nalalabi sa huling dalawang araw ng kumpetisyon, hindi lamang napanatili ng Philippines ang korona kundi pinayabong pa nila ang kanilang performance. Noong 2000 edition, nakamit din ng Pinas ang overall champion nang magwagi ito ng 7 gintong medalya sa 10 nakataya.

Pinaamo ng ang men’s foil team nina Emerson Segui, Rolando Canlas at magkapatid na Ramil at Rufelino Edriano ang kalaban sa buong torneo tungo sa daan patungong gold medal.

Ang women’s squad naman nina Leny Reyes, na may hawak ng tatlong ginto sa kanyang bulsa, na kinabibilangan din nina Veena Nuestro, Melly Joy Angeles at Lorraine San Diego ay hindi rin nagpahuli at dinuplika ang performance ng mga kalalakihan.

"A team that has prepared long and hard and one that has the heart and determination to triumph will be the one that would produce results. And this is the result," ani Celso Dayrit, pangulo ng Philippine Olympic Committee na minsan ay naging pangulo ng Philippine amateur Fencing Association

CELSO DAYRIT

EMERSON SEGUI

FENCING ASSOCIATION

KUALA LUMPUR

LENY REYES

LORRAINE SAN DIEGO

MELLY JOY ANGELES

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROLANDO CANLAS

RUFELINO EDRIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with