RP-Spring Cooking Oil mapapasabak sa Korea
April 26, 2002 | 12:00am
Mapapasabak agad ang Philippine-Spring Cooking Oil sa malakas na Korea sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa 10-team ABC Champions Cup basketball tournament sa Linggo, Abril 28 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
"Its a tough assignment but the boys are ready and determined," ani RP-Spring delegation head at coach Tito Palma bago tumulak ang team patungong KL kahapon.
Pangungunahan nina high-leaping Geremy Robinson at 7-time PBA Best Import awardee Bobby Parks ang RP-Spring na magkatuwang na pag-aari nina national shooting champion Nathaniel Tac Padilla at Herbert De Jesus at suportado ng Unimex Intertrade, Alfa Laval Phils., ER Enterprises, Liwayway Marketing (Oishi) at D&L Industries.
Ang iba pang manlalaro ay sina Macario Torres, Joel Co, Allan de Castro, Mario Reyes, Michael Buendia, Efren Garcia, Erwin Luna, Jasper Javier at Ricky Ricafuente. Si Bert Polido ang team manager at si Ricky Magallanes naman ang assistant coach.
Ang Spring na nakuha ang karapatang katawanin ang bansa nang mapagwagian nito ang national title matapos gapiin ang Korea, ay makakaharap din ang Hong Kong sa Abril 30, Lebanon sa Mayo 1 at Saudi Arabia sa Mayo 2 sa Group A matches.
Ang iba pang team na nasa Group B naman ay ang Qatar, Syria, Malaysia, India at Bahrain.
Ito ang unang pagkakataon sapul noong 1999 na ang Philippine team ay kasali sa ABC Champions Cup pagkatapos ng Beeper 150 at Pasig Pirates na kapwa nagtapos sa ikawalong puwesto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended