^

PSN Palaro

Francisco, MBA Hardcourt Hero of the Week

-
Matapos ang kanilang dalawang sunod na panalo sa kanilang homecourt kontra sa Osaka-Pangasinan Waves naging mahigpit na paborito ang Cebuana Lhullier Gems na mapanatili ang kanilang malinis na record sa kanilang balwarte at ang pagtrangko sa pangunguna sa Southern Conference sa kanilang pakikipagharap kontra sa mahigpit na karibal na RCPI-Negros Slashers noong Sabado ng gabi sa Cebu Coliseum.

Subalit, ang lahat ng ito ay binalewala ng Slashers sa pangunguna ng beteranong si Jose Francisco na sa kabila ng kanilang homecourt advantage at hometown crowd, nagawa pa rin supilin ng Negros ang Gems sa kanilang pananalasa.

Umiskor ang 6-foot-3 shooting forward ng 25 team-high points, 18 nito ay mula sa 3-points range upang pamunuan ang Slashers sa kanilang ikaapat na panalo sa limang laro at kanilang ipinalasap sa Gems ang kanilang unang kabiguan sa apat na laro.

Umiskor rin ang dating FEU Tamaraw ng tatlong krusiyal na free throws sa huling maiinit na segundo ng labanan upang biguin ang tangkang pagbangon ng Gems.

Ang ipinamalas na husay ng 32-anyos na ipinagmamalaki ng Malolos, Bulacan ay sapat na para siya ay hirangin ng MBA Press Corps na tanghaling Hard Court Hero para sa buwan ng Abril 16-21.

Napagwagian ni Francisco ang nasabing karangalan na lingguhang iginagawad ng Press Corps kontra sa mga kalaban na sina Jeffrey Flowers at Johnedel Cardel ng Olongapo Volunteers, Peter June Simon ng Professional Davao Eagles, Ato Agustin ng Pampanga Stars, Peter Naron ng Cagayan de Oro Amigos at Eddie Laure ng Batangas Blades.

ATO AGUSTIN

BATANGAS BLADES

CEBU COLISEUM

CEBUANA LHULLIER GEMS

EDDIE LAURE

HARD COURT HERO

JEFFREY FLOWERS

JOHNEDEL CARDEL

KANILANG

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with