WBC crown idedepensa ni Rubillar

Idedepensa ni World Boxing Council International Lightflyweight champion Juanito Rubillar ang kanyang korona sa ikatlong pagkakataon at ngayon ay kontra sa kapwa niya Filipino na tulad niya ang mahusay at dating world title holder din na si World Boxing Association Minimumweight champion Joma Gamboa.

Si Rubillar, 25 anyos at tubong Mati ay may ipinagmamalaking 39 laban na may 26 wins, 8 nito sa pamamagitan ng KO, 8 kabiguan at 5 draws. Hawak din niya dati ang WBC International Minimumweight crown bago umusad ng 3 pounds pataas at makakuha ng laban sa WBC Lightflyweight title kontra kay Jin Ho Kim ng Korea kung saan nagwagi si Rubillar sa pamamagitan ng unanimous decision noong Mayo 27, 2000. Pagkatapos ng tagumpay na ito, idinepensa niya ang titulo sa loob ng isang taon kontra kay Thai Fahsang Pow Pongsawang na ginanap sa Kidapawan City at pinabagsak ang Thai sa ika-6th round.

Magtatatlong buwan na matapos na hamunin nito ang Hapones na si Takahiko Mizuno, at dito nakatagpo ng mas malakas na kalaban na nagpapagsak sa kanya sa ika-4th round.

Si Rubillar ay dalawang beses na world contender. Una noong Disyembre 3, 1999 para sa IBF Minimumweight crown kontra kay Zolani Petelo at ikalawa noong Oktubre 20, 2001 para naman sa WBC Interim Lightflyweight championship kontra sa Mexican na si Jorge Arce. Bagamat dalawang world title ang hindi naging matagumpay, dumistansiya ito at muling nagbalik para sa isa pang world title kontra kay Gamboa sa kanilang pagtatagpo sa Mayo 18 na ipiprisinta ng Elorde International Production sa ilalim ng pamamahala ng promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde.

Show comments