Pag-akyat sa top 8 bubunuin ng Realtors
April 2, 2002 | 12:00am
Top eight teams ang uusad sa quarterfinal round ng kasalukuyang PBA-Samsung Governors Cup ngunit di makita rito ang nagdedepensang kampeong Sta. Lucia Realty.
Ito ang pinagtratrabahuhan ngayon ng Realtors at kanilang sisimulan ang pag-akyat sa matarik na bundok para sa pagtatanggol ng kanilang titulo sa kanilang pakikipagharap sa Alaska Aces.
Alas-6:00 ng gabi nakatakda ang laban ng Sta. Lucia kontra sa Aces na layuning maihakbang ang kanilang paa patungong quarterfinals sa nag-iisang laro ngayon.
Lalo pang makakadagdag sa mabigat na hamon na kakaharapin ng Realtors ang bagong import ng Aces sa katauhan ni James Head na pumalit sa serbisyo ng di gaanong impresibong si Muntrell Dobbins.
Ang 26-gulang na si Head ay kagagaling lamang sa kanyang kampanya sa Flint Fuze sa Continental league kung saan ito ay nagtala ng average na 17.8 puntos at 8.3 rebounds.
Siya ay produkto ng Eastern Michigan at naging bahagi rin ito ng Harlem Globetrotters.
Inaasahang ibayong tulong ang kanyang maibibigay sa kanyang magiging katuwang na si Ron Riley upang sapawan ang pinagsanib na puwersa ng dalawang reinforcements ng Sta. Lucia na sina Mark Davis at Victor Thomas.
Ngunit di dapat pakasiguro ang Alaska laban sa Sta. Lucia dahil kagagaling lamang ng Realtors sa isang sorpresang panalo kontra sa Coca-Cola Tigers kung saan napatalsik sa laro si Davis ngunit hindi ito naging sagabal tungo sa kanilang tagumpay.
Ang Aces ay nag-iingat ng 4-3 record kasunod ang three-way logjam sa 4-4 win-loss slate kasama ang RP Team-Hapee, FedEx Express at San Miguel Beer.
Ang Sta. Lucia naman ay may 3-4 kartada kasunod ang nanganganib nang RP-Team Selecta na may alanganing 2-6 karta at ang halos wala na sa kontensiyon at magkasalo sa pangungulelat na Barangay Ginebra at Shell Velocity na parehong may 1-7 record.
Tanging ang Purefoods TJ Hotdogs (7-1) at Talk N Text (6-1) pa lamang ang may puwesto sa eight team quarterfinals kung saan ang top four teams ay mabibiyayaan ng twice-to-beat advantage.
Di nakalalayo ang Red Bull sa 5-2 kartada at Coca-Cola na may 5-3 record. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended