Silverstar Communication ang magko-cover ng MBA
March 6, 2002 | 12:00am
Kinuha ng Metropolitan Basketball Association ang serbisyo ng Silverstar Communication upang palakasin ang television coverage ng bawat laro ngayong taon.
Kamakailan ay nilagdaan nina MBA commissioner Chito Loyzaga, MRBI President Jean Henri Lhuillier at Louie Kierulf, managing director ng Silverstar Communication ang isang memorandum of agreement para sa Silverstars na siyang magpro-provide ng kabuuang production at technical service sa MBA.
Itinalaga ni Kierulf ang sportscaster na si Jude Turcuato bilang executive producer ng MBA coverage.
Sinabi ni Kierulf, halos lahat ng mga laro ay live na iko-cover ng Silverstar partikular sa araw ng weekends na mayroong limang oras na airtime na inilaan.
Bukod sa Silverstar, itinalaga rin ng MBA ang National Broadcasting Network 4 na kanilang official station at Media Trade Exchange Inc., sa pangunguna ng Fredie Infantes group na kanilang marketing arm upang maseguro ang tagumpay ng ikalimang season ng MBA simula sa Abril 6.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended