Criterium race sa Bulacan
March 3, 2002 | 12:00am
Susuportahan ni dating Asian sprint queen na ngayon ay Meycauayan Bulacan councilor, Lydia de Vega-Mercado ang nakatakdang event ng Philippine Amateur Cycling Association (PACA) ang National cycling elimination para sa Bulacan chapter sa Criterium race sa Meycauayan Bulacan Commercial Center.
Ang naturang karera ay lalahukan ng lahat ng mga Bulakeñong siklista mula sa bayan ng Meycauayan, Bustos, Plaridel, Malolos, Sta. Maria, Pulong Buhangin, Bocaue, Guiguinto at Tabang.
"The event will be the basis of our selection for the team that will compete in the forthcoming National Open Cycling Championship to be held this coming 2nd week of April 2002," wika ni de Vega-Mercado.
Magsisimula ang nasabing karera sa alas-9 ng umaga sa harapan ng Meycauayan Commercial Complex at walang iba kundi si Hon. Mayor Eduardo Alarilla ang siyang magpapaputok ng baril na aasistihan ni Diay sa isang simpleng seremonyas na dadaluhan ni PACA president Ponciano Regalado Jr., at PACA secretary general Armando Bautista.
Samantala, nanguna naman sina dating tour champs at international cyclists Rolando Pagnanawon, Bernie Llentada, Placido Valdez, Freddie Untalan, Ruben Mendoza, Art de La Cruz, Jose delos Santos at Domingo Boy Arzadon sa qualifying round para sa PACA Masters category sa karerang ginanap sa Clark Angeles, Pampanga noong nakaraang Sabado na sinalihan ng mahigit sa 78 Masters category riders.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended