Gumanap ng mahalagang papel si Daruca nang kumana ito ng 23 puntos kabilang ang limang puntos sa final na segundo upang itakas ang kanilang panalo.
Inagaw ng Tortillos ang trangko nang humugot ng foul si Daruca mula kay Lou Gatumbato mula sa three-point teritory na nagkaloob sa kanya ng tatlong charity shots at kunin ang 75-74 pangunguna, may 44 segundo ang nalalabi sa laro.
Tinangka ng Detergent Kings na agawin naman ang bentahe sa return play, ngunit muling nakakuha ng foul si Daruca kay Eric dela Cuesta.
Muling tumapak si Daruca sa free throw line at kapwa niya naisalpak ang dalawang bonus shots may 19 segundo na lamang ang nalalabi sa laro ang tuluyang nagkaloob sa Tortillos ng panalo.
Nauna rito, naungusan ng Montana Pawnshop ang Hapee Toothpaste-Cebu, 87-78.