Express nakipagpareha sa Pennsylvania
February 14, 2002 | 12:00am
Naikamada ng Airfreight 2100, ang nag-iisang lisensiyadong Federal Express sa bansa at may-ari ng Express team sa PBA, ang kanilang pakikipagpareha sa 2001 United States Basketball League (USBL) champion Pennsylvania, na nagsisiguro sa dalawang koponan ng efficient transfer ng mga players, coaches at technology.
Sa ilalim ng partnership, ang Pennsylvania Valleydawgs, na pinangangasiwaan ng NBA legend Darryl "Chocolate Thunder" Dawkins ay makikipagpalitan ng programa sa Express na kasasangkutan ng kani-kanilang mga manlalaro at coaches.
Ito ay makakatulong sa mga manlalaro ng Valleydawgs na mabigyan ng lukratibong paglalaro sa Asias premier basketball league at ang mga manlalaro naman ng Express ay makakakuha ng karanasan at exposure sa Amerika na may aprobal ng PBA.
"This will help the PBA get a chance to play in the US. Our players will gain tremendous experience playing in the USBL, because it is one step below the NBA. Who knows, we might be producing here the first ever Filipino player in the NBA?" pahayag ni Bert Lina, chairman ng Airfreight 2100.
Ang guro ng Valleydawgs na si Dawkins ay naglaro ng 14 season sa NBA at isa sa coaches ng NBA Rookie All-Star game kamakailan sa Philadelphia. Isa rin siya sa naging judges ng NBA Slam-Dunk contest.
Simula noong 1985, aabot na sa 130 USBL players ang nakarating na sa NBA na kinabibilangan nina Spud Webb, Charlie Ward at Manute Bol.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am