Sa pangunguna ng second place finish ni Merculio Ramos, nagpasiklab ang mga Pinoy sa patag na ruta ng ikaanim na lap upang manguna sa Asian category at sapawan ang tour-leading Telekom All-Stars, Japan at host Malaysia sa araw na ito.
Tumawid sa finish line si Ramos sa oras na 3:39.27, pareho ng oras ng stage winner na si Graeme Brown ng Ceramiche Panaria na nanguna sa grupo ng 133-man finish.
Pinangunahan naman ni Suzuki ng Japan ang Asian category.
Nagtapos naman bilang pang-apat si Emilio Atilano, habang sina Villamor Baluyot, Warren Davadilla at Arnel Quirimit ay ikalima, ikapito at ika-10 ayon sa pagkakasunod.
Dahil dito, ang stage victory ay napasakamay ng team Philippines sanhi ng kabuuang oras na 10:58.21 na tumalo sa Malaysia, Japan at Telekom.