Ang panalo ay naghatid sa Falcons na harapin ang University of the Philippines sa winner-take-all match sa Miyerkules.
Bagamat nabigo ang Falcons na umiskor ng runs sa unang innings, bumawi naman ito sa second frames nang pamunuan nina Leah Crudo at Arnie Hilotin ang pananalasa ng kanilang koponan at hindi binigyan ng pag-kakataon ang Warriors.
"Marami silang error at ang aming hits ay dumarating kung kailan kailangan, samantalang ang kanila ay medyo wala sa timing," pahayag ni Adamson coach Filomeno "Boy" Codiñera.
At sa winner-take-all match na nakatakda sa Miyerkules, kung sakaling ma-nalo ang Adamson, ito ang kanilang ikalimang sunod na korona na magiging kasaysayan sa UAAP softball tourney.
Ang Adamson ang siyang may pinakamasamang kartada sa elimination round kumpara sa apat na qualifiers makaraang magkapagtala lamang ng limang panalo at limang talo.