^

PSN Palaro

Warriors tinuhog ng Falcons

-
Umiskor ang Adamson U ng anim na runs sa second inning upang gawing tuntungan sa kanilang 6-2 pananaig kontra sa University of the East kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP softball tourney sa UST field.

Ang panalo ay naghatid sa Falcons na harapin ang University of the Philippines sa winner-take-all match sa Miyerkules.

Bagamat nabigo ang Falcons na umiskor ng runs sa unang innings, bumawi naman ito sa second frames nang pamunuan nina Leah Crudo at Arnie Hilotin ang pananalasa ng kanilang koponan at hindi binigyan ng pag-kakataon ang Warriors.

"Marami silang error at ang aming hits ay dumarating kung kailan kailangan, samantalang ang kanila ay medyo wala sa timing," pahayag ni Adamson coach Filomeno "Boy" Codiñera.

At sa winner-take-all match na nakatakda sa Miyerkules, kung sakaling ma-nalo ang Adamson, ito ang kanilang ikalimang sunod na korona na magiging kasaysayan sa UAAP softball tourney.

Ang Adamson ang siyang may pinakamasamang kartada sa elimination round kumpara sa apat na qualifiers makaraang magkapagtala lamang ng limang panalo at limang talo.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON U

ANG ADAMSON

ARNIE HILOTIN

BAGAMAT

CODI

LEAH CRUDO

MIYERKULES

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with