^

PSN Palaro

NM Nava, hari ng 3rd SCA chessfest

-
Pinataob ni top seed National Master Roderick Nava ng Carmona, Cavite si third seed Oliver Dimakiling ng La Salle-Taft sa penultimate round at nakipaghatian ng puntos kay Las Piñas City bet Jasper Alzona sa final round upang maghari sa 3rd Southern Chess Association (SCA) Biñan individual chess tournament noong Linggo na ginanap sa Olivarez Plaza sa Biñan Laguna.

Kumpiyansang isinulong ng 16-anyos na si Nava, isang graduating student ng Car-mona, Cavite National High School ang Queens Pawn Opening upang basagin ang seldom-used na Blumenfeld Counter Gambit ni Dimakiling na nagtapos sa 45 sulungan.

Nakuntento naman sa pakikipagtabla si Nava kay Alzona sa huling laro upang makalikom ng pitong puntos, dalawang draw sa siyam na laro na nagkaloob sa kanya ng korona sa event na ito na nilahukan ng 96-man field.

Pinarangalan din si Ivan Gil Biag na nagwagi bilang top kiddie performer.

BLUMENFELD COUNTER GAMBIT

CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL

IVAN GIL BIAG

JASPER ALZONA

LA SALLE-TAFT

LAS PI

NATIONAL MASTER RODERICK NAVA

NAVA

OLIVAREZ PLAZA

OLIVER DIMAKILING

QUEENS PAWN OPENING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with