^

PSN Palaro

Kapakanan ng atleta prayoridad ni Buhain

-
"If the Philippine Sports Commission had all the money, I would provide whatever the athletes legitimately need."

Ito ang pahayag ng bagong PSC Chairman na si Eric Buhain kahapon kung saan sinabi nitong ang kapakanan ng mga atleta ang kanyang pagtutuunan ng pansin sa kanyang administrasyon upang matupad ang kanyang layuning itaas ang prestihiyo ng Philippine Sports.

Nakipagkita kahapon si Buhain sa dalawang grupo ng mga atleta upang talakayin kung ano ang kanilang mga pangangailangan sa training para sa mga international competitions.

"If they need better nutrition, better equipment or anything related to their training, that’s what I intend to discuss with them. And if the PSC has the budget, we will provide it to them," pahayag ni Buhain.

""But budget has always been the problem of the PSC. It’s a matter of ‘selling’ the government sports agency to ask the private sector for support to supplement the budget problems. That’s our concern and the athletes should continue their year-round training program."

Idinaing ng mga atleta ang kanilang problema sa allowances, quarters, vitamins, facilities at training venues sa dalawang oras na mahigit na pakikipagkita ni Buhain sa mga atleta.

Ayon kay Buhain, kung siya lamang ang masu-sunod, nais niyang manatili bilang isa sa apat na PSC commissioner si William Ramirez na nagbitiw din sa kanyang tungkulin matapos mauna ang dating Chairman na si Butch Tuason.

AYON

BUHAIN

BUTCH TUASON

ERIC BUHAIN

IDINAING

IF THE PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE SPORTS

WILLIAM RAMIREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with