^

PSN Palaro

Pangarap ni Adducul na makatuntong sa PBA naglaho

-
Pinatay na ng Batangas Blades ang pangarap ni Romel Adducul na maka-tuntong sa Philippine Basketball Association.

Ito’y makaraang hindi bigyan ng Blades si Adducul ng release papers at sa halip ay inalok ng P10 million buyout ng kanyang kontrata sa sinumang team na kukuha sa kanya.

Ang pagpasok ni Adducul sa PBA Draft ay sinang-ayunan ng ABS-CBN at nagpalista noong Disyembre 28 sa go-signal na rin nina Rollie B. Cruz at MBA chief Ramon Tuason.

Ang ABS-CBN ang nagbabayad ng mas malaking halaga sa kontrata ni Adducul.

At kahapon, hindi binigyan nina Blades owner Santi at Dindo Araneta ang release paper ni Adducul na ibibigay sa PBA. Kahapon ang huling araw ng pagsusumite ng mga requirements.

"This is how you kill the career of a player," ani Ed Ponceja, agent ni Adducul na nagsabi ring walang kontrata si Adducul sa Batangas dahil binigyan na sila ng go-signal ng ABS-CBN.

Hindi rin nakapagsumite ng certification ang kontrobersiyal na UAAP player na si Mike Cortez ng De La Salle Univerisity.

Ang mga nakapagsumite ng kanilang DOJ confirmation ay sina Francis Rauschmayer, Raffy Reavis, Ken Gumpenberger, Tom Arceno, Jason Henkey at Sonny Margate.

Wala ring naibigay na DOJ clearance ang sinasabing magaling na Fil-Am player na si Jimmy Alapag. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ADDUCUL

BATANGAS BLADES

CARMELA OCHOA

DE LA SALLE UNIVERISITY

DINDO ARANETA

ED PONCEJA

FRANCIS RAUSCHMAYER

JASON HENKEY

JIMMY ALAPAG

KEN GUMPENBERGER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with