PSA Annual Awards Night: Elizalde, nangunguna sa listahan ng mga panauhin
January 10, 2002 | 12:00am
Pangungunahan ni Frank Elizalde, ang International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines, ang listahan ng mga sports officials na magiging panauhin sa taunang PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night bukas sa Holiday Inn Hotel.
Inimbitahan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa gabi ng parangal na magsisimula sa alas-7 ng gabi.
Kasama ni Elizalde sina Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit, Philippine Sports Commission Chairman Carlos Tuason, Rep. Monico Puentevella, Chairman ng House Committee on Youth and Sports, Games and Amusement Board chief Eduardo Villanueva at Lt. Gen. Benjamin Defensor, Commanding General ng Philippine Air Force.
Sa gabing ito kikilalanin ang mga achievers ng 2001 season sa pangunguna nina co-Athletes of the year na sina Efren Bata Reyes at Dorothy Delasin.
Sina Delasin, ang kanyang agent na si Mark Freeland at coach Clint Begay ay darating ngayon mula sa San Francisco via Philippine Airlines para sa awards rites.
Inaasahan ding dumalo ang mga pangulo ng mga national sports associations gayundin ang mga miyembro ng corporate communities.
Ang iba pang inimbitahan ay sina PSC commissioner William Ramirez, Ritchie Garcia, Amparo Lim at Cynthia Carreon kasama ang mga basketball officials na sina PBA Chairman Iggy Yenko at PBA Commissioner Jun Bernardino, MBA chief Butch Antonio, PBL Commissioner Chino Trinidad at chairman Dioseldo Sy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended