3rd SCA Biñan individual chessfest sisimulan

Lalarga na ang pinbakahihintay na 3rd Southern Chess Association (SCA) 2002 Biñan individual chess tournament sa darating na Enero 19, alas-2 ng tanghali na gaganapin sa main entrance ng Olivarez Plaza sa Biñan, Laguna.

Ang seven-round Swiss system at 1 oras na chess pormat ay inorganisa ng Muntinlupa Chess Development Foundation (MCDF), Biñan, San Pedro at Sta. Rosa chess clubs at may nakalaan ditong cash prizes at glass trophy sa mga mananalo.

Mayroon ring pabuya para sa top Biñan player, Kiddies at Senior sa category winners.

Pangungunahan nina dating NCFP president at Asia’s first Grandmaster Eugene Torre at Laguna Governor Teresita Ningning Lazaro ang ceremonial moves para sa pormal na pagbubukas ng torneo.

Hanggang sa Enero 17 ang huling araw na itinakda para magpatala ang lahat at ang registration at membership fee ay P150.00.

Show comments