Disbanda na ang Andok's-San Juan Knights sa MBA
December 13, 2001 | 12:00am
Dahil sa pagkabigong makausad sa national finals, tuluyan ng magdi-disbanda ang San Juan Knights sa Metropolitan Basketball Association (MBA) sa susunod na season.
Pinatalsik ng Batangas Blades ang San Juan sa kanilang best-of-five series para sa Northern Conference finals noong nakaraang linggo.
Isinagawa ni San Juan owner Sandy Javier ang kanyang pahayag sa idinaos na christmas party ng kumpanya noong nakaraang linggo, gayunman, siniguro niya sa mga panatiko ng koponan na mayroong siyang option na muling ireporma ang Knights sa hinaharap.
"Its hard to give up a very potent marketing tool. However, because of the ABS-CBN withdrawal of support, the outlook became uncertain. It will not be economically feasible for me to maintain the team any further," ani Javier.
Ang desisyon na ito ni Javier ay maluwag na tinanggap ng MBA board noong Martes ng gabi sa kanilang meeting, subalit mananatiling bukas ang kanilang pintuan sa muling pagbabalik ng San Juan.
Ang San Juan ang 2000 MBA National champion. Natalo sila sa Second Phase Northern Conference Championship sa Blades na haharap naman sa Negros Slashers para sa kampeonato ngayong taon.
"Its painfull to let go of a very competitive team. Everybodys having their own difficulties in business but the MBA can withstand the obstacles. There are new teams to fill in the vacuum to be left by San Juan although we cannot say it would be easy to top Andoks achievements in the league," pahayag naman ni Commissioner Butch Antonio.
Sinabi naman ni Ramon Tuason, MBA director for marketing and business developments, malapit ng ipormalisa ng liga ang kanilang pag-uusap para sa bagong dalawang koponan at ang pagbabalik ng tatlong dating squad.
Ang muling magbabalik na koponan ay ang Pampanga, Pangasinan at Manila, habang interesado naman ang Makati na magsali ng kanilang koponan. Ibig din katawanin ng kasalukuyang National Open champion Spring Cooking Oil ang Baguio.
Pero ang kanilang pinagtutuunan ng atensiyon ay ang muling pagbabalik ng dalawang dating National champions Pampanga (1998) at Manila (1999) na nag-leave-of-absent noong nakaraang taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended