Ito ang inihayag kahapon ni Bernardino, matapos iprisinta sa PBA Board members ang kanyang napiling mentor sa board meeting kahapon sa Manila Golf Club.
Makakasama ni Bernardino ngayong umaga sa PSA Forum si Jacobs upang talakayin ang kanilang plano para sa Pambansang koponan.
Inihayag din ni Bernardino na naaprobahan na ang kanyang plano para sa 2002 season ng PBA kung saan binago ang kalendaryo ng events.
"I had experiences with the Asian Games. I have direct participation and I had the chance to see Ron Jacobs work. We had talked sometime about basketball that have given me enough reason to look at him and choose him as a coach.
Ayon pa kay Bernardino ang kanyang proposal sa 2002 season ay magkakaroon ng kaunting pagbabago.
Idinagdag pa ni Bernardino, umaasa itong hindi magkakaroon ng problema ang kanyang pagpili kay Jacobs sa Basketball Coaches of the Phils.
"Matatandaan na noong 1998 Asian Games naging kandidato din si Jacobs bilang coach ng National team ngunit sa reklamo ng BCAP, ang naitalagang coach ay si Tim Cone na nag-uwi ng bronze medal mula sa Bangkok.
Kabilang sa proposal ng commissioner ay ang pagkakaroon ng tryout para sa National team sa Enero kung saan 24 players ang kukunin at hahatiin sa dalawang grupo para makasama ng 10 regular teams sa Governors Cup, ang pambungad na kumperensiya sa taong 2002, bilang pagbi-bigay daan sa preparasyon ng RP squad na lalahok sa Pusan Games sa Setyembre.
Ang All-Filipino Cup ang siyang season-ending conference. Ito ay isasagawa pagkatapos ng Asian Games kung saan available na ang lahat ng PBA players na nakasama sa National team.