Phil. Star inangat ni Bartolome

Umiskor ng game high 24 puntos si Alfred Bartolome upang ibangon ang Phil. Star sa hindi magandang panimula habang nabalewala naman ang naitalang 27 puntos ni Ira Maniquis nang sorpresahin ng RCBC ang San Miguel sa pagtatapos ng eliminations ng The Philippine Star Friendship League sa Meralco gym.

Dahil sa pagkawala ng mga ex-pros, nalasap ng San Miguel ang unang talo sa 5-laro laban sa RCBC, 61-88 habang nahirapan naman ang Starmen na pinangangasiwaan ni Kevin Belmonte at suportado ng Adidas bago itala ang 81-73 panalo kontra sa RFM Swift team.

Sa likod ng pagkatalo, No. 1 pa rin ang SMC at muli nitong haharapin ang RCBC sa Sabado sa knock-out semis habang makakasagupa naman ng Star ang two-time BIBATO champions ABS-CBN na nanalo naman kontra sa UCPB, 68-51,

Show comments