Inihayag ni Philippine Sports Commission commissioner Amparo "Weena" Lim, project director ng Batang Pinoy na ang lahat ay handa na para sa PSC grassroots sports development program na tutugon sa mga kabataang atleta na may edad 12 anyos pababa.
"Everything is ready for the third Batang Pinoy, including the co-hosts-- Bacolod City and Negros Occidental-- which are again putting their best for the staging of the meet," ani Lim.
Mismong ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang inimbitahan para dumalo sa opening ceremonies sa Disyembre 1. Ang third Batang Pinoy ay ang unang major national sporting competition sa ilalim ng kanyang pama-halaan.
Ito naman ang ikalawang pagkakataon na ang Bacolod City at Negros Occidental ang punong abala ng Batang Pinoy na gaganapin sa malawak na Panaad Sports Complex sa Barangay Mansilingan.
Pormal na pinirmahan ang isang kasulatan na nag-gawad sa Panaad Sports Complex bilang venue ng ikatlong Batang Pinoy na pinirmahan nina Lim, PSC chairman Carlos Tuason, Bacolod City Mayor Luzviminda Valdez at Negros Occidental Governor Joseph Maranon.
Samantala, pinirmahan na rin ni Department of Education secretary Raul Roco ang isang Memorandum of Agreement kung saan pinayagan nito ang mga guro na mamamahala sa Batang Pinoy Games.