^

PSN Palaro

MBA 2nd Phase: Negrosa gaganti sa Batangas

-
Nais ng Negros Slashers na maipadama ang kanilang paghihiganti sa kanilang nakatakdang paghaharap ng Batangas Blades sa pagpapatuloy ng eliminations ng MBA Second Phase na ang aksiyon ay dadako sa University of St. La Salle sa Bacolod City.

Nakatakda ang muling pagtitipan ng Slashers at Blades sa alas-5:30 ng hapon.

Ang dalawang koponan ay kapwa nakakasiguro na ng No. 1 qualifying spot sa kani-kanilang conferences at iisa lamang ang ibig na mangyari ng Negros ang supilin ang dominasyon sa kanila ng Blades.

Hawak ng Batangas ang 11-2 sa Northern Conference, habang nag-iingat naman ang Negros ng 9-4 win-loss slate sa Southern Conference.

Tinalo ng Blades ang Slashers sa una nilang paghaharap sa iskor na 82-68 noong Nov. 4.

At dahil hawak ng Blades ang liderato sa kanilang grupo,maaari na itong mag-relax dahil hihintayin na lamang nila ang kanilang makakaharap para sa best-of-five semifinal series sa pagitan ng San Juan at Laguna na nakatakdang magharap para sa kanilang sariling best-of-three series.

Gayundin ang Slashers, hihintayin na lamang nila ang mananalo sa pagitan naman ng Davao at Cebuana Lhuillier na magsasagupa para sa isa pang semis match.

Nauna rito, nakatakdang maglaban ang San Juan at Nueva Ecija sa alas-3 ng hapon na dadako sa Araullo Gym sa Cabanatuan City.

ARAULLO GYM

BACOLOD CITY

BATANGAS BLADES

CABANATUAN CITY

CEBUANA LHUILLIER

NEGROS SLASHERS

NORTHERN CONFERENCE

NUEVA ECIJA

SAN JUAN

SECOND PHASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with