^

PSN Palaro

PBA Governors' Cup: Shell, SMB target ang semis

-
Para sa defending champion San Miguel Beer at sa Shell Velocity, kailangan lamang nilang malusutan ang 48-minutong pagsubok ng kalaban bago makapasok sa semifinal round ng PBA season-ending Governors Cup.

Sa panig ng Barangay Ginebra at Talk N Text Phone Pals, matarik na bundok ang kanilang aakyatin para makatuntong sa susunod na baytang ng kompe-tisyon ng ikatlong kumperensiyang ito.

Magsisimula ang quarterfinal phase ngayon kung saan makakasagupa ng Gin Kings ang Turbo Chargers sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:05 ng hapon sa PhilSports Arena na susundan naman ng engkuwentro ng Phone Pals at Beermen sa ikalawang laro, dakong alas-7:10 ng gabi.

Isang panalo lamang ang kailangan ng Shell at San Miguel upang makausad sa best-of-five semifinals, habang ang Talk N Text at Gin Kings ay kailangang maka-dalawang sunod na panalo sa kani-kanilang mga kalaban.

Ang iba pang quarterfinal pairings ay Red Bull kontra Sta. Lucia at Pop Cola vs Alaska na maghaharap-harap naman sa Linggo.

Samantala, opisyal ng binuksan ng Philippine Basketball Association ang patalaan para sa 2002 Draft na gaganapin sa Enero 13.

Ang nasabing Draft ay bukas para sa lahat ng aspirante na may 23-taon pataas, tapos ng kolehiyo o high school sa pag-tatapos ng 1998 school year.

Ang sinumang interesadong partido ay maaaring makipag-ugnayan sa PBA office sa 3rd Floor, Building A ng Philippine Sports Commission Complex sa Meralco Ave., upang mag-file ng kani-kanilang entries bago sumapit ang alas-5 ng hapon sa Dec. 2001.

Maaari ring mag-apply ang mga Fil-foreign players na may kasamang confirmation ng kanilang Filipino citizenship mula sa Department of Justice.

Puwede ring mag-apply ang mga manlalaro mula sa MBA at hindi na kailangan ang naunang tatlong nabanggit na requirement kundi ipakita lamang ang katibayan na wala na silang obligasyon sa kani-kanilang mother units.

Noong nakaraang draft, umabot sa 57--ang all-time record ang nag-applied kung saan si Willie Miller ang siyang top pick matapos na hugutin ng Red Bull. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BARANGAY GINEBRA

BUILDING A

CARMELA OCHOA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

MERALCO AVE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION COMPLEX

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with