^

PSN Palaro

Holyfield vs Rui sa China di tuloy

-
WASHINGTON–Tila di pa matutuloy ang ang na-postponed na heavyweight title fight sa Beijing sa pagitan nina Evander Holyfield at John Ruiz sa kaagahan ng susunod na buwan, ito ang iniulat ng Boston Globe newspaper noong Miyerkules.

Plinano ang "Brawl at the Wall" fight sa pagitan ng American fighters para sa World Boxing Association (WBA) belt ni Ruiz sa Beijing sa darating na Nov. 24 ng Great Wall Sports Media Company.

Ngunit hindi nai-deliver ng Chinese partners ng promoter na si Don King ang letter of credit na ilang milyong dollar sa account ni King noong nakaraang Biyernes, na nagresulta na hindi na matutuloy ang ikatlong paghaharap nina ruiz at Holyfield, ayon sa Globe.

At dahil wala na sa usapin ang Chinese, iniulat na sinisikap ni King na muling mare-schedule ang nasabing laban para sa December 15 kung saan pumayag ang cable television HBO na siyang magbayad ng $5 million upang maipalabas ito ng live.

Hinihiling ni King kina Ruiz at Holyfield na ibaba ang kani-kanilang purse fees, ngunit ang dalawa ay kapwa tumanggi kung kaya’t posibleng walang laban na magaganap kung hindi tatanggapin ng dalawang fighters ang kahilingan ni King.

"Don’t wants the fighters to take a curt so he can make a bigger profit, and this time they’re not going to do it," ani ng adviser ng isa sa mga fighrers.

Si King ay nasa Las Vegas noong Martes kung saan tinangka niyang kausapin ang manager ni Ruiz na si Norman Stone upang tanggapin ang kanyang alok, pero tumanggi rin ang kampo ng WBA champion.

BEIJING

BOSTON GLOBE

DON KING

EVANDER HOLYFIELD

GREAT WALL SPORTS MEDIA COMPANY

HOLYFIELD

JOHN RUIZ

LAS VEGAS

NORMAN STONE

RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with