Phil.Star, SMC at RCBC nagpakitang gilas
October 14, 2001 | 12:00am
Wala pa ring kupas ang kamador na si Barangay Ginebra coach Allan Caidic nang magtala ito ng 35 puntos upang pangunahan ang San Miguel Corporation sa kanilang 76-59 panalo kontra sa RFM Swift Hotdogs sa panimula ng The Philippine Star Friendship League sa Meralco gym kahapon.
Kumana ng limang triples si Caidic para sa kanyang kabuuang 34 puntos upang pangunahan ang powerhouse team ng San Miguel kung saan nasaksihan din ang mahusay na paglalaro nina Hector Calma, Art dela Cruz at Bethune Tanquincen.
Bago rito, ipinaramdam naman ng 5-time champion Philippine Star ang kanilang lakas nang igupo ang BIBATO champion Team ABS-CBN 80-61 kung saan pinamunuan ni Joey Viduya ang Starmen sa kanyang inilistang 15 puntos mula sa lima ring triples na tulad ni Caidic.
Sa isa pang laro, dinurog ng Rizal Commercial Banking Corporation ang United Coconut Planters Bank, 74-61na ang tanging konsolasyon ay pagkakapili ni Rowena Lupisan ng UCPB bilang Best Muse.
Naging panauhin sa opening si STAR columnist Quinito Henson at RFM team manager Elmer Yanga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am