^

PSN Palaro

Philippine STAR Friendship League di-dribol ngayon

-
Di-dribol na ngayong alas-8 ng umaga ang kauna-unahang The Philippine STAR Friendship League, isang invitational basketball tournament na esklusibo lamang para sa STAR advertisers and partners sa Meralco Gym.

Anim na koponan sa pangunguna ng host team The STAR ang magpapakita ng aksiyon sa nasabing cagefest na gagamitan ng one-round robin eliminations na ang top-4 teams ay maghaharap para sa cross-over semifinals at ang mananalo rito ang siyang maghaharap para sa korona at ang talunan ay magsasagupa naman para sa konsolasyong ikatlong puwesto sa Dec. 8.

Ang kampanya ng The STAR na pangangasiwaan ni Kevin Belmonte at suportado ng Adidas ay sisimulan nila sa nakatakdang engkuwentro kontra sa back-to-back BIBATO champion ABS-CBN.

Dalawang pang maiinit na sagupaan ang masasaksihan na tatampukan ng paghaharap sa pagitan ng RFM at San Miguel Corp., na babanderahan ng limang ex-PBA veterans, bago sa isa pang sul-tada, magtitipan naman UCPB at ang RCBC mula sa banking industry na mata-pos ang isang maikling seremonya na pangungunahan ni STAR sports columnist Quinito Henson bilang guest speaker.

Ang iba pang panauhin ay sina Elmer Yanga ng RFM Corp., at Ira Maniquis ng San Miguel ang lahat ay iniimbitahan na manood ng laro.

Bagamat kargado ng limang PBA veterans na sina Allan Caidic, Samboy Lim, Art dela Cruz, Siot Tanquincen at Hector Calma, di dapat pakakasiguro ang San Miguel dahil tiyak na may nakahandang solusyon ang limang iba pang koponan upang pigilan sila sa tangkang dominasyon sa liga.

Isa sa magiging mahigpit na kalaban ng San Miguel ay ang five-time inter-publication champion Philippine STAR na siguradong di rin pahuhuli kung saan ang kanilang kampanya ay babalikatin nina Noli Lapena, Rene Recto, Joey Viduya na isang three-point specialists, Rene Recto, ang dating UE Warriors na sina Alfred Bartolome at Ting Hojilla, Bill Velasco at ang 6-footer na si Mike Maneze na inaasahang puputok sa opensa.

Ang depensa ay pangangasiwaan naman nina Non Alquitran, Jon De Guzman, Sonny Oriondo, Noel Cabales at Gil Ancheta.

Optimistiko si coach Noli Hernandez na magiging maganda ang debut game ng kanyang koponan na kanila itong pinaghandaan upang tapatan ang hamong ilulutang ng ABS-CBN na siguradong babanderahan nina Don Crisostomo, Eric Samson, Rey Tugade, Dave Gonzales, Jet Capiz, Arnold Sulit at iba pa para isulong ang unang panalo.

ALFRED BARTOLOME

ALLAN CAIDIC

ARNOLD SULIT

BILL VELASCO

DAVE GONZALES

DON CRISOSTOMO

ELMER YANGA

ERIC SAMSON

RENE RECTO

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with