^

PSN Palaro

Legaspi, kampeon sa executive chess tourney

-
Nagpamalas ang 33-anyos na si Gary Legaspi mula sa Cainta, Rizal ng mahusay na pagsulong upang ibulsa ang kanyang ikatlong Executive Chess Days title ngayong taon nang magtala ng 5.5 markers sa Philippine Chess Society-organized tournament na ginaganap sa 4th floor ng President Tower sa 81 Timog Ave., Quezon City noong nakaraang Linggo.

Tinanghal si Legaspi ng Serg Philippines na unang nagbulsa ng dalawang korona noong Abril at Hunyo na solo champion ngayon bunga ng kanyang itinalang limang sunod na panalo at isang draw.

Tumapos naman ang De La Salle University coach Randy Segarra na may layo lamang ng kalahating puntos kay Legaspi upang kunin ang runner-up plum, habang bumagsak sa ikatlong puwesto ang seasoned chesser na si Ali Brenzuela na may 4.5 puntos.

Inagaw naman nI Antonio Caya, nakalikom lamang ng 3.5 puntos ang ikaapat na puwesto nang sumandig ito sa kanyang higher tiebreak na 22.5 mula kina Jenny Mayor, Michael Ramos at Ramil Acosta.

Nag-uwi si Legaspi kung saan ang kanyang paglahok dito ay suportado ni Serg President Sergio Goquiolay ng P4,000 at eleganteng glass trophy. Nagbulsa rin ng cash prize sina Segarra, Branzuela at Caya.

vuukle comment

ALI BRENZUELA

ANTONIO CAYA

DE LA SALLE UNIVERSITY

EXECUTIVE CHESS DAYS

GARY LEGASPI

JENNY MAYOR

LEGASPI

MICHAEL RAMOS

PHILIPPINE CHESS SOCIETY

PRESIDENT TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with