Inagaw ni Montecillo, na kagagaling lamang mula sa kanyang sakit ang kalamangan sa kalagitnaan ng karera mula sa mahigpit na kalaban na si Arvin Loberanis at Tirso Pamaybay.
Mula dito, hindi na nilingon pa ng 18-anyos na mag-aaral mula sa University of San Jose-Recoletos ang kanyang mga kalaban patungo sa finish line ng 10-kilometrong karera sa tiyempong 34 minutos at 35.53 segundos.
Pumangalawa si Loberanis sa oras na 35:15.70 habang ang local road race King na si Pamaybay ang siyang pumangatlo sa tiyempong 35:27.19.
Sa kababaihan, naibulsa ni Tolentino ang kanyang back-to-back title matapos na mag-isang tumahak ng finish line sa oras na 44:34.12.
Sumegunda ang pambato ng Cebu na si Merlita Arias na may 45:13.76, habang si Analyn Edrolin ang siyang tumersera sa naitalang 45:26.28.
Napagwagian ng multi-titled na si Cristituto Canete ang Masters crown at si Nogie Biagan ang siyang nanalo sa Executive class.