^

PSN Palaro

PBA Governors' Cup: Alaska nanalo rin sa wakas

-
CEBU CITY -- Hindi binigo ni Ron Riley ang Alaska sa kanyang debut game nang maging susi ito sa 96-92 panalo ng Aces kontra sa Tanduay Gold Rhum sa ikalawang out-of-town game ng PBA Governors Cup na bahagi ng elimination round, sa Cebu Coliseum dito.

At sa wakas matapos ang limang sunod na pagkatalo ay nakapasok na rin sa win column ang Aces na ngayon ay katabla na ang biktimang Rhummasters sa 1-5 win-loss slate.

Kinumplimentuhan ni Riley, pumalit kay Dexter Boney, ang mga clutch plays nina Ali Peek at Ritchie Ticzon sa pamama-gitan ng kanyang mahusay na depensa.

Nakawala sa Alaska ang 5-puntos na pangunguna sa regulation nang humataw si Tanduay import Billy Thomas na sinuportahan ni Eric Menk na nagbalik aksiyon matapos mawala sa huling apat na laro ng Rhummasters upang itabla ang score sa 85-all sanhi ng extra five-minute.

Umiskor ng dalawang free-throws si Peek upang ilagay ang Aces sa 95-92 pangunguna, 12-segundo na lamang ang nalalabi sa ovetime.

May tsansa ang Rhummasters na ihirit ang ikalawang overtime ngunit pinuwersa ni Riley si Thomas sa isang jump-ball matapos ang isang inbound pass.

Natapik ni Riley ang bola kay Ritchie Ticzon na agad na-foul ni Dondon Hontiveros para sa ka-yang split shot na nagselyo ng final score.

"Here we are with five straight losses and we’re looking for our first win against a Tanduay team that has suddenly become complete," ani Alaska coach Tim Cone.

ALI PEEK

BILLY THOMAS

CEBU COLISEUM

DEXTER BONEY

DONDON HONTIVEROS

ERIC MENK

GOVERNORS CUP

RHUMMASTERS

RITCHIE TICZON

RON RILEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with