Ito ay ang amphitheater ng Casino Filipino-Paranaque para sa Philippine-Korean Collision.
Tampok ang tatlong world class champion ng bansa-- sina Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) champion at kasalukuyang No. 4 sa World Boxing Council (WBC) na si Tiger Ari, WBC International Flyweight champion Randy Mangubat at WBC International minimumweight champion Ernesto Rubillar.
Makakasagupa ni Ari si Lee Jong Bum, ang No. 2 superfeather contender; mapapasabak naman si Mangubat kay No. 2 Kim Jae Choon sa flyweight division; at makakaduelo naman ni Rubillar si No. 4 Kim Hee Wan sa minimum weight.
Dumating ang mga Koreano mula sa Seoul Korea noong Huwebes, lahat ay nasa kondisyon at pinaghandaang mabuti ang laban na ito.
Kahapon lang nagkita-kita ng harap-harapan ang mga Pinoy ay Koreano sa opisyal na weigh-in sa Games and Amusement Board (GAB).
Si Ari ay tumimbang ng 133 lbs. habang si Bum ay may bigat namang 130 lbs. Si Mangu-bat naman ay 114 lbs. habang ang kalabang si Kim Jae Choon ay 112 lbs. Si Rubillar naman ay may bigat na 107 lbs. kontra sa 108 lbs. ni Kim Hee Wan.
Inaasahang magiging kapanapanabik ang event na ito na hatid ng Elorde International Productions sa ilalim ng boxing promoter na si Gabriel Bebot Elorde, Jr. at Casino Filipino-Parañaque at supor-tado ng PCSO Ristorante Benissimo at Outlast Battery.
Bilang supporting bout, maghaharap sina Philippine flyweight champion Anthony Villamor at Roy Tarazona; Christopher Balug kontra sa dating PABA bantamweight champion Joel Junio; Roy Doliguez kontra kay Alfred Nagal; Arnel Briol laban kay Flash Ortega; George Dico laban kay Macoy Maturan; Rexon Flores kontra kay Ali Anino at Laren Melgario laban kay Loy Ranque.