^

PSN Palaro

'Philippine-Korean Collision sa Casino Filipino

-
Handa nang lumaban ang mga Koreanong sina Lee Jong Bum, Kim Jae Choon at Kim Hee Wan sa pinakahihintay na ‘Philippine-Korean Collision’ na nakatakda sa October 6 na gaganapin sa Casino Filipino sa Parañaque.

Ang tatlong Korean fighters ay dumating kahapon ng alas-11:50 ng umaga mula sa Seoul, Korea at sinalubong ng kilalang boxing promoter na si Gabriel ‘Bebot’ Elorde.

"We didn’t come here to lose face and disgrace our country. We are here well-prepared and ready for battle," ani Lee Jong Bum sa pamamagitan ng interpreter.

Nakatakdang labanan ni Lee Jong Bum si Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) champion Tiger Ari. Si Bum ay may 10 panalo, 4 ang talo at isa ang draw. Kabilang dito ang 7 knockout.

Iisa lamang ang nasa isip ng mga Koreano at ito ang bigyan ng karangalan ang kanilang pinagmulang bansa kaya’t inaasahang ipapamalas ng mga ito ang kanilang galing sa non-title fight sa loob ng 10 rounds.

Para naman kay WBC international flyweight champion Randy Mangubat, mabigat ang kanyang makakalaban sa katauhan ni Kim Jae Choon na nagmamalaki ng kanyang record na 13 panalo, 3 talo kabilang ang 7 knockouts.

Di rin basta-basta si Kim Hee Wan na may impresibong 12 panalo, 4 talo at 2 draws kabilang ang 6 knockouts na mapapasabak kay Ernesto Rubillar, ang WBC International minimumweight champion.

Ang boxing fest na ito ay hatid ng Elorde International productions sa pangangasiwa ni Gabriel ‘Bebot’ Elorde Jr. at suportado ng Casino Filipino-Paranaque. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa 825-7229.

BEBOT

CASINO FILIPINO

CASINO FILIPINO-PARANAQUE

ELORDE INTERNATIONAL

ELORDE JR.

ERNESTO RUBILLAR

KIM HEE WAN

KIM JAE CHOON

LEE JONG BUM

ORIENTAL AND PACIFIC BOXING FEDERATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with