^

PSN Palaro

1st PBL Open Invitational: Ana, Blu nasa semis na

-
Kapwa pinabagsak ng Ana Freezers at Blu Detergent ang kani-kanilang kalaban kahapon upang makasama sa six-team semifinals cast ng 1st PBL Open Invitational sa Ma-kati Coliseum.

Kinailangan ng Ana na maging matatag sa huling segundo ng labanan upang maitakas ang 84-83 panalo kontra sa Wang’s Ball Club, habang pinigilan naman ng Blu Detergent sa siyam na puntos ang Sure-shot Sports Management sa third quarter para maitala ang 80-65 tagumpay.

Bunga ng panalong ito, muling mapapasabak ang Freezer Kings at Detergent Kings sa iba pang PBL teams sa pagsisimula ngayon ng semis round sa Ateneo Blue Eagles gym.

Makakaharap ng Ana ang Welcoat Paints sa main encounter dakong alas-5 ng hapon, habang sasabak naman ang Blu Detergent sa sister team Shark Energy Drink sa alas-3.

Humakot sina Ronald Tubid at Dondon Mendoza ng tig-22 puntos upang pamu-uan ang kanilang koponan, ngunit mas pumukaw ng pansin ang beteranong point guard na si Robin Mendoza na siyang nagsalpak ng nagpana-long free throw upang ihatid ang Ana sa panalo.

Bagamat nakalubog sa 10-puntos ang Wang’s Ball Club, 80-70, may tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa laro, hindi sila basta-basta nagpaiwan at nagbaba ang tropa ni coach Jerome Cueto sa pangunguna nina Billy Mamaril, Edrick Ferrer at Mike Noble ng 12-3 run upang maibaba ang trangko sa 82-83 na tinampukan ng tres ni Noble.

vuukle comment

ANA FREEZERS

ATENEO BLUE EAGLES

BALL CLUB

BILLY MAMARIL

BLU DETERGENT

DETERGENT KINGS

DONDON MENDOZA

EDRICK FERRER

FREEZER KINGS

JEROME CUETO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with