Rubillar kontra Korean sa Sabado
October 2, 2001 | 12:00am
Nakatakdang makipagbasagan ng mukha si WBC international minimumweight champion Ernesto Rubillar kontra Kim Hee Wan ng Korea sa darating na Sabado, October 6 sa Casino Filipino sa Parañaque City.
Matatandaan na pinasiklaban ni Rubillar ang buong Kidapawan City nang kanyang talunin si Somthawin Singwongcha ng Thailand noong Abril 28 sa pamamagitan ng knockout sa ikaapat na round.
Ang nakatakdang 12-round bout ay kauna-unahang depensa ng korona ni Rubillar na kanyang naagaw sa kapwa Pinoy pug na si Zarlit Rodrigo sa pamamagitan ng 7th round technical knockout noong Pebrero 24.
Ang labang ito ni Rubillar, kasalukuyang #3 sa WBC ratings ay kanyang paghahanda para sa mas malaking laban ang world title fight kontra kay Jose Antonio Aguirre ng Mexico.
Bukod kay Rubillar, nakatakdang umakyat rin sa ibabaw ng lona sina Oriental & Pacific Boxing Federation (OPBF) champion Tiger Ari kontra sa Koreanong si Lee Jong Bum at World Boxing Council (WBC) International flyweight champion Randy Mangubat laban kay Kim Jae Choon ng Korea.
Tinaguriang Philippine-Korean Collission ang nasabing triple boxing fest ay handog ng Elorde International Productions na pinamumunuan ng ace promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde jr., sa pakikipagtulungan ng Casino Filipino-Parañaque.
Para sa karagdagang katanungan, maaaring tumawag sa 8257229.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended