Ipapalabas ng Viva Vintage Sports ang nasabing laban via satellite simula sa alas-6 ng gabi sa IBC 13. Tampok sa main supporting bout ang sagupaan sa pagitan nina feature OPBF welterweight champion Rev Santillan ng Philippines at Kenji Go ng Japan.
Ayon sa kilalang Japanese boxing manager matchmaker at journalists Joe Koizumi na ang nasabing laban ay "this is going to be a very competitive fight. It is certain to be a great fight between two superbly conditioned boxers."
Sinabi naman ng respetadong nutritionist at dietician ni Peñalosa na si Dra. Sanirose Orbeta na "should have no trouble making the weight," hinggil sa gaganaping opisyal weigh-in ngayong alas-3 ng hapon, Manila time. Si Dr. Orbeta ang siyang gumawa ng plano para sa diet ni Peñalosa sa nakalipas na buwan at kumpiyansa itong nagsabing "Gerry will do very well. He is super-ready and strong."
"Gerry is ready physically and mentally. Almost two years since his last title fight is too long a time to wait knowing what he is capable of. Gerry is in the finest shape of his life. we have done everything for him and he has dedicated himself. We expect nothing less than victory," pahayag naman ng abogadong si Rudy Salud.
Sa parte naman ni Peñalosa, sinabi nito na isasangtabi muna niya ang kanyang klasikong counter-punching style at ito ay magiging isang basaggulero upang hindi na maulit ang natamong dalawang kontrobersiyal na split decision na kabiguan sa dating kampeon an si In Joo Cho sa Seoul.
At sa press public preview, sinabi ng 28-anyos southpaw na "I came here to bring the crown back home to the Philippines. I didnt come here only to fight, I came here to win."
Taglay ni Peñalosa ang ring record na 43-3-2 na may 27 KOs habang nag-iingat naman si Tokuyama ng record na 24-2-1 na may 6 KOs na ang dalawang talo ay kanyang natikman mula sa mga kamay ng Filipinos boxers.
Tinalo ni Manny Melchor si Tokuyama sa 10-round bout noong 1996 at namayani naman si Nolito Cabato sa pamamagitan ng seventh round technical decision noong November 1997.