Gold nais namin - RP Wushu team ng 21st SEA games

PENANG - "We’ll go for the gold."

Ito ang pangako ng Filipino wushu athletes na dumating dito galing sa Manila noong Miyerkules ng gabi kasama ang assistant chef de mission Julian Camacho at team manager Francis Chan.

"We have a well trained-team which can deliver medals for the country," pahayag ni Camacho na pangulo rin ng Wushu Federation of the Philippines.

"We are optimistic because wushu has been a rich source of gold medals for us in the SEA Games. On top of that, we had good preparation," dagdag ni Chan, vice-president ng Asian Wushu Federation.

Ang WFP at Philippine Sports Commission ay naghati sa gastusin para sa dalawang buwang training ng mga atleta sa China sa ilalim ng pangangasiwa ng dating multi-titled national bet Samson Co at Chinese coaches Xia Bo Hua, Qui Jian Hua at Yu Zhi Bo.

"Our athletes know they will be up against tough opposition, especially those from Vietnam. But they are ready," ani Co na nakapaghatid ng 10 gold medals na nagbigay sa Philippines ng overall wushu title noong 1991 Manila SEA Games.

Pangungunahan nina World Championship veterans Mark Robert Rosales at Willy Wang ang kampanya ng mga Pinoy na pantayan ang kanilang anim na gintong medalyang nakuha noong 1993 at 1997 SEA Games sa Singapore at Jakarta ayon sa pagkakasunod.

Magsisimula ang kompetisyon sa Wushu sa Linggo sa chanquan, nanquan, sanshou, swordplay at broadsword events.

Sina Rosales, Willy Wang at Arvin Ting ay mapapasabak na sa men’s chanquan habang si Janice Huang ay mapapalaban naman sa women’s chanquan na magsisimula sa alas-9:30 ng umaga.

Show comments