St. Benilde, ibinulsa ang titulo

Pinigilan ng College of St. Benilde ang University of Santo Tomas, 3-0 upang ibulsa ang korona sa women’s team title sa katatapos pa lamang na 2001 Milo All-Students Tennis Championships nitong nakaraang linggo sa Rizal Memorial hardcourts.

Kinumpleto naman ng Bicol University High School ang 2-1 pananaig kontra sa defending champion Assumption sa girls’ team division, habang binokya ng bagitong Philippine Christian University ang Letran 3-0 upang sungkitin ang boys’ team event.

Bumawi naman ang Letran sa kanilang kabiguan nang umitin ang collegiate men’s team title matapos na blangkahin ang Ateneo, 3-0 sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.

Nahirang si Petrona Bantay na Most Valuable Player kasama sina Cathrine Flores ng Bicol University , Roel Licayan ng PCU at Chiemel Mantua ng Letran.

Show comments