Dahil hindi ginanap ang regional eliminations sa lugar na ito noong nakaraang taon makaraang idaos ito sa Kalibo, Aklan, dumagsa ang mga mananakbo sa 3K, 5K at 10K runners mula sa lungsod ng Negros, Panay at Guimaras na pumila sa starting line sa city plaza sa tapat ng Bacolod Cathedral.
Kumilos si Julius Sermona, 23-gulang na tubong Binalbagan sa Southern Negros at finalist sa 1998 Milo national finals sa Clark Air Base sa Pampanga, sa huling dalawang kilometro ng 10K run upang makahabol sa lead pack bago ito uma-rangkada sa huling kilometro nagtala ng pinakamabilis na oras na 35:24 upang maangkin ang slot sa 42K finals sa Manila sa Disyembre.
Pumangalawa ang six-time Western Visayas Regional champion ang 35 gulang na si Wilfredo Escala mula sa Cadiz City matapos ang diskuwalipikasyon ng isang nagngangalang Gino Aspacio na iniulat na guma-mit ng alias. Si Escala ay may oras na 35.51.
Si Sermona ay tumanggap ng P5,000 at P3,000 naman kay Escala habang si Feliciano Onasa Jr. ay may P2,000 makaraang magtala ng 36:35 sa karerang ito na sinuportahan ng Adidas.
Sa kababaihan, ang high school student na si Marigen Campos mula sa Filamer Christian College sa Roxas City ang dumaig sa kanyang mas matanda at mas malalaking kalaban sa 3K run matapos magtala ng oras na 43:05.
Gayunpaman, ang 14-gulang na si Campos na nanalo rin sa Milo 5K regional run noong nakaraang dalawang taon ay hindi makakasama sa finals dahil sa kanyang edad ngunit may pabuya naman itong P5,000.
Pumangalawa si Herminia Esmedia, 23-gulang na sophomore education student sa La Carlota City College na may tiyempong 45:42 at nag-uwi ng P3,000 habang third placer naman ang kanyang schoolmate at kasama sa college track team na si Joan Erespe, 19 anyos na nagtala ng oras na 45:51.
Bagamat third placer lamang ay makakasama si Erespe sa finals gayundin si Roselyn Jimenez kapalit ni Campos na nagtala ng oras na 45:55.