Pinay nakaginto, medalya sa 1st Asian Women's Boxi

Bangkapi Mall-Bangkok-Nakopo ng kauna-unahang Philippine Women’s boxing team captain Mitchell Martinez ang gintong medalya nang pabagsakin nito si Chan Dan ng China sa pamamagitan ng RSC sa unang round para sa lightweight title sa Asian Women’s Boxing Championships dito.

Nauna rito, apat na Filipina ang tumanggap ng bronze medals sa 10-nation Women’s tournament na dinomina ng powerhouse North Korea na humatak ng 5 golds at bronze at China naman na nag-uwi ng 3 golds , 2 silvers at 2 bronze.

Ang host Thailand ay may 1 gold, 2 silvers at 5 bronze upang maungusan ang Philippines na may 1-0-4 slate.

Show comments