Nagsilbing bayani ng sagupaan si Chico Manabat nang kanyang ihatid ang laro sa panibagong extra limang minuto matapos na magsalpak ng tres upang itabla ang iskor sa 71-all, may 5.7 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.
At sa overtime, hindi nagawang sustinahan ng Falcons ang kanilang pundasyon na 78-77, 2:05 ang oras nang magsimula silang kumulapso matapos dumepensa ng mabuti ang Bulldogs na naging dahilan ng kanilang errors.
Lumayo ang NU sa pamamagitan ng paghugot ng mga fouls mula kina Michael Yong, Mark Abadia at Joel Hate kung saan nalimita lamang ang Falcons sa tatlong puntos na dahilan ng kanilang ikapitong dikit na talo.
Binanderahan nina Froiland Baguion at Bryan Tolentino ang Bulldogs sa extra limang minuto nang kumana ng 13 puntos upang ihatid ang NU sa ikatlong puwesto sanhi ng 4-3 record sa likod ng Far Eastern U na may 5-2 karta at lider na defending champion De La Salle Green Archers at Ateneo de Manila U na kapwa nag-iingat ng 6-1 panalo-talo karta.