Ang panalong ito ang nag-angat sa MIT Cardinals sa 4-3 panalo-talo karta upang makatabla ang University of Perpetual Help Rizal ha-bang lalo namang nabaon ang SBC Red Lions sa 1-6 panalo-talo.
Gumamit ang Mapua ng 8-2 run sa huling 1:46 oras ng labanan na pinangunahan ng bibihirang gamitin na si Victor Maneclang, Roberto Lagar at Sherwin Silva upang iselyo ang tagumpay.
Pinangunahan ni Steve Marucot ang Cardinals sa kanyang hinakot na 16 puntos bukod pa sa walong rebounds na sinuportahan naman ni Edsel Feliciano ng 14 puntos upang tabunan ang impresibong performance ni Arnold Oliveros na tumapos ng 25 puntos na nawalan lamang ng saysay bunga ng pagkatalo ng Bedans.
Umabante ang Cardinals ng 5 pun-tos, 66-72, ngunit hindi hinayaan ng Bedans na makalayo ng husto ang Mapua at nanatiling may pag-asa sa panalo sa huling 1:44 oras ng labanan nang umiskor ng tres si Brit Reroma, 69-72 ang iskor.
Sa juniors game sa unang laro, inani ni Lino Tabique ang 23 sa kanyang tinapos na 30 puntos sa second half upang ihatid ang SBC Red Cubs sa 76-71 panalo kontra sa defending juniors champion na MIT Red Robins.