Magaling ang kalaban pero hindi uurungan ni Rubillar
July 27, 2001 | 12:00am
Mahigpit na laban ang inaasahan ni Juanito Rubillar sa kanyang makakaharap na si Takahiko Mizuno ng Japan sa nakatakda nilang 12-round fight sa Hulyo 28 sa Casino Filipino sa Parañaque.
"Napanood ko ang mga laban niya. Magaling siya ngunit hindi ko siya uurungan. Marami na akong pinagdaanan para maabot ko ang koronang hawak ko at hindi ko ito basta-basta na lang bibitawan," pahayag ni Rubillar.
Hawak ni Mizuno ang impresibong 12 knockouts sa kanyang 14 pakikipaglaban kung saan isang beses pa lamang siyang natalo. Matindi rin ang kanyang pagnanais na wakasan ang winning streak ni Rubillar at maagaw ang korona.
"Hindi biro ang sagupaang Juanito Rubillar at Takahiko Mizuno. Ma-ganda ang mga ipinakita ni Mizuno sa kanyang mga nagdaang laban kung saan labing-dalawa ang napatulog niya," ayon naman kay Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ang promoter ng nasabing triple big events na ito.
Isa lamang ang sagupaang Rubillar-Mizuno sa main headers ng triple WBC International championship na tinaguriang "Fist of Fury sa Casino Filipino Parañaque" na suportado ng PCSO at Thunderbird.
Hindi lang magandang laban ang ipinangako ni Rubillar kungdi isang laban na ang katumbas ay ang pagiging kampeon.
Tampok rin sa labang ito ang paghaharap nina Randy Mangubat at Malcolm Tuñacao, gayundin ang sagupaan sa pagitan nina Ricky Gayamo at Abner Cordero.
Samantala, tutungo ngayon sa opisina ng Games and Amusement Board sa Makati ang mga boksingero para sa gaganaping opisyal wiegh-in sa alas-2 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended