^

PSN Palaro

San Juan Knights at Batangas Blades iisa ang hangarin

-
Iisa lang ang nais na mangyari ng San Juan Knights at ng Batangas Blades sa kanilang magkahiwalay na laban, ang higit pang mapata-tag ang kanilang kapit sa kontensiyon sa pagpapatuloy ng first phase ng MBA na gaganapin sa Araullo Centrum Gym sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sariwa pa sa kanilang 75-74 panalo sa kanilang sariling balwarte kontra sa Negros Slashers noong Linggo, nais ng Blades na mapalawig ang kanilang winning streak sa anim na sunod at ikasiyam sa kabuuan matapos ang 11 laro kontra sa Socsargen Marlins ngayong alas-3 ng hapon.

Sa labang ito, umaasa rin ang Socsargen na masu-sweep ang kanilang huling tatlong asignatura kabilang ang laban ngayon upang makasama sa huling slot ng susunod na round.

Tiyak na mahigpit na babantayan ng Marlins ang tambalang Romel Adducul at Alex Compton na siyang naging susi sa huling panalo ng Blades.

Ikasiyam na tagumpay ang nais na kanain ng Knights sa kanilang nakatakdang banatan ng Nueva Ecija sa alas-5:30 ng hapon bilang main game.

Samantala, pinatawan ng MBA ang Batangas coach na si Nash Racela, kasama sina Danny Capobres ng San Juan, Oliver Bunyi ng Nueva Ecija at Alwyn Flores ng Socsargen ng kabuuang multang P16,000 bunga ng kani-kanilang pagiging unsportsmanship noong nakaraang linggo.

Si Flores ang nagtamo ng pinakamalaking multa na P8,000 at pinatawan pa ng one-game suspension bunga ng kanyang hard foul kay Chris Clay ng Laguna, habang tig-P2,000 naman sina Racela at Bunyi bunga ng patuloy na pagrereklamo.

ALEX COMPTON

ALWYN FLORES

ARAULLO CENTRUM GYM

BATANGAS BLADES

CABANATUAN CITY

CHRIS CLAY

DANNY CAPOBRES

KANILANG

NASH RACELA

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with