Tuñacao nagpahayag ng kumpiyansa vs Mangubat
July 24, 2001 | 12:00am
Nagpahayag ng kumpiyansa si Malcolm Tuñacao na siya ay mananalo sa kanilang paghaharap ni WBC International flyweight champion Randy Mangubat sa Hulyo 28 sa Casino Filipino-Parañaque.
"Pinaghandaan kong mabuti ang labang ito dahil comeback fight ko ito. Kaya dapat impresibo ang maging panalo ko," pahayag ni Tuñacao matapos ang apat na buwang pamamahinga mula ng matalo ang kanyang world flyweight world crown noong Marso kontra Pongsaklek Wonjongkam ng Thailand.
"Sana nga makabawi ako at manalo sa labang ito para mabigyan uli ng chance sa world championship," dagdag pa ni Tuñacao na mapapasabak sa isa sa tatlong nakatakdang 12-round fights na tinaguriang "Fist of Fury."
Bukod sa Tuñacao-Mangubat match, mapapanood din ang sagupaan sa pagitan nina junior flyweight Juanito Rubillar at Japanese Takahiko Mizuno at bantamweight Ifugao champion Ricky Gayamo at Abner Cordero.
Magmumula kay Gov. Luis "Chavit" Singson ang tropeo ng mananalo sa pagitan ng Rubillar-Mizuno fight para sa WBC International lightflyweight championship bout.
Samantala, magbibigay kasiyahan naman ang isang anak na babae ng great boxer na si Gabriel "Flash" Elorde na si Rita Elorde na mapapasabak sa isang exhibition match.
Mapapasabak ang 56 na si Rita sa isang 3-round exhibition bout kontra sa anak na babae naman ng dating OPBF champion na si Marissa Alarde.
"Not everybody knows that lots of women now are engaged in this sports as a form of regular exercise hopefully, sooner, the GAB will give sanction to women boxers," pahayag pa ni Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ang siyang promoter ng triple header na ito.
Ang mga nabiling tiket ay maaaring ipalit ng bonus bet certificate sa Concierge section ng Casino Filipino-Parañaque.
Ang mga ticket outlets ay ang Elorde Sports Complex-825-7229, Casino Filipino Metro Manila branches: Parañaque-854-1605, Silahis - 525-8131, Pavillon-523-8691 to 97, Heritage- 854-8766.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended